Monday, December 1, 2008

DOON PO SA AMIN (awiting bayan)

DOON PO SA AMIN

Doon po sa amin, bayan ng San Roque,
May nagkatuwaang apat ng pulubi,
Sumayaw ang pilay, umawit ang pipi,
Nanood ang bulag, nakinig ang bingi.

Doon po sa aming maralitang bayan,
May isang matandang nagsaing sa apoy,
Papel ang palayok, papel pati tuntong,
Tubig na malamig ang siyang iginatong.

Doon po sa aming maralitang bayan,
Nagpatay ng hayop, Niknik ang pangalan,
Ang taba po nito ay ipinatunaw,
Lumabas na langis siyam na tapayan.

Ang balat po nito'y ay pinakorte,
Ipinagawa kong silya't taburete,
Ang uupo rito'y kapitang pasado't
Kapitang lalaking bagong kahalili.

1 comment:

Jap Alto said...

Hehehe naalala ko yung lolo ko ng katahin niya ito ng bata pa kaming magkakapatid at pisan.

NegosyongPinoy.info